MISS KO SIYA...
Sinalubong ko si Mamang (Lola ko) nung sabado, pagkaraan ng dalawang taon muli nanaman kaming nagkita. Natuwa ako kasi makakasama ko siya ng halos isang buwan. Pero halos maiyak ako nung makita ko siyang nakaupo sa wheelchair habang palabas ng arrival area. Dati kasi hindi siya nag whee-wheelchair dahil kaya parin naman niyang lumakad basta may aalalay sakanyan, kaya lang ngayon magisa nalang siya. Wala na si Daddy na aalalay sakanya tuwing umuuwi sila.
Namimiss ko si Daddy at alam kong hindi magtatagal ay si Mamang din ay mamimiss ko ng ganito. Minsan tuloy ayokong makipagusap sakanya, ayoko ng mapalapit… para saan pat iiwan din naman niya ako?! Masasaktan ulit ako… pero kahit naman anung gawin ko sa ganung paraan naman talaga natatapos ang istorya ng buhay ng bawat tao. Pag tumanda tanda pa ako susunod din ang mga magulang ko, mga kamag anak, kaibigan at mga kakilala. Ako man… lilisanin din ang mundong ito at tutungo sa pangakong paraiso. Doon makikita ko ulit sila, kaya lang hindi ko na sila makikilala.
Nalulungkot parin ako pag naaalala kong wala na siya. Madalas naiiyak pa kapag naaalala ko ang noon, ang mga pangyayari, ang mga lugar, ang mga bagay at tuwing lumalabas ang mga katangiang namana ko sakanya.
Naiisip ko lang minsan na sana pwedeng sumilip sa langit, mapagmasdan manlang siya kahit sandali. Makita kung gaano siya kasaya sa piling ng Ama.
0 comment(s):
Post a Comment
<< Home