MASAMANG PANGINIP
Galing Macro pagkatapos mag supervise ng pag-gro-grocery para sa grocery pack ng mga empleyado. Habang papalabas ng office dumating ang isang text message na galing kay Andrew, "Momi, nauntog daw kanina sa basketball si Ton-ton, di parin siya nagigising. Pupuntahan ko na si Tito Edgar tapos sabay na kami puntang ospital." Nang tanungin ko siya kung bakit anung nangyari, sabi niya basta dumeretso na ako ng ospital. Tila siryoso ito, matawagan nga...Bobbie: Hello, ano daw nangyari?
Andrew: (nanginginig ang boses) Nauntog daw e...
Bobbie: Paano? Anung oras pa nangyari?
Andrew: Mga 6:00 daw.
*Napaisip ako sandali, 6:00 pa eh 8:00 na tulog parin?! Naguumpisa na akong kabahan...
Bobbie: Asa ospital ka na?
Andrew: Oo!
*tahimik ng sandali...
Andrew: (umiiyak na) Mami, punta ka na dito... si Ton-ton... pumunta ka na dito!
Bobbie: (umiiyak na din) Oo sige papunta na ako pero paalis palang ako ng office, pero dederetso na ako dyan. Sige!
Andrew: Bilisan mo ha! Mag ingat ka!
Bobbie: Oo sige, babay!
Parang kagabi lang masaya pa kaming nasa party at kaninang madaling araw lang magkakasama pa kami nila Droo at P sa bahay, tamang usap... Ngayon hindi na siya nakakausap... Hindi ako makapaniwala sa nakita kong kalagayan ni Ton-ton, malala nga ang lagay niya... Parang hindi totoo, sa sinasabi ng Doctor parang alam ko na kung anung kahihinatnat nito pero umaasa parin akong hindi tama ang naiisip ko. Parang masamang panaginip, sana panaginip lang ito...
Lord tulong naman! Mahal na mahal ko/namin si Ton-ton at alam mo yan... Gusto ko/namin gumising pa siya. Di pa siya pwedeng matulog Lord diba kasi di pa niya kine-claim ang key niya to heaven?! Haaay ang haba nitong araw na ito, toxic sa office tapos ganito pa... Hay, ayoko na ata talaga!

0 comment(s):
Post a Comment
<< Home