HIRAM
-Hiram-Hindi ko kukunin dahil hindi naman akin,
‘Di ko rin aangkinin kasi alam kong pahiram lang yan sa’kin.
‘Wag mo naman sabihin na inaagaw ko,
Kasi alam mong hindi rin yan sa’yo.
At imposibleng gawin ko ang iniisip mo,
Ang mang agaw ay ni minsan hindi sumagi sa isip ko.
Sana huwag mong ipagdamot sa ibang tao,
Hindi naman yan ginawa para lang sa’yo.
‘Wag mong higpitan at paglaruan,
Maawa ka may buhay din yan.
‘Wag mong ikulong, ‘wag mong diktahan,
Hayaan mo lang, marunong mag isip yan.
Pakawalan mo, huwag ikubli,
Dahil ito’y mas makakabuti.
Kaibigan pakatandaan mo,
Wala kang pag-aari sa mundong ito.
Kaya ‘wag mong sabihin na yan ay sa’yo.
Tulad ng buhay mo, pahiram lang din yan ng Diyos sa’yo.

1 comment(s):
By
anders, at
3:43 AM
Post a Comment
<< Home