TODAY MY BELOVED ANGEL LEFT
12:36 amAng pagpanaw ng mahal naming bunso: Ang mensaheng galing sa kapatid ko na dumurog ng puso ko... "Wla na daw c t0n." Parang ayokong maniwala sa nabasa ko. Hindi ko na naantay mag park ng maayos si RJ, tumakbo na ako agad papasok ng ospital na tila hindi ako sinita ng guard dahil nga madaling araw na at bawal na magpapasok ng bisita. Dumeretso sa ICU, sa hallway palang lahat ay naka tungo na, si Tito Edgar palakad lakad, si P, Dhes nakatayo at umiiyak, si Andrew, maluha luhang tulala. Tumigil ako at nagtanung, "Ano na?!" Sagot sila, "Wala na". Hindi ako makaiyak, parang ayokong maniwala para kasing hindi totoo, hindi ko alam kung pano ko iintindihin... Tinanung ko kung pwede pang sumilip, oo daw. Pagpasok ko ng ICU wala na ang mga tubong nakakabit sakanya, wala na din ang kumot niya parang tulog lang. Tinulugan na niya talaga kami...
Lord, ano toh di ko gets talaga e?!

0 comment(s):
Post a Comment
<< Home