BUTAS
*20 minutes late for work, binibilisan ang lakadEeerrrr late nanaman!!! Daliii!!!
*Malapit na sa kanto ng Romulo Hall
malapit na, makakasakay na ko…
*Biglang may nahulog galing sa bulsa
Kinapa ang bulsa: Huh, ano yun?! Aaarrsh phone… NooOOO!!!
!!!Butas pala ang bulsa ng pantalon, lumusot ang cellphone, nahulog, dumulas, na shoot papasok sa butas ng drainage.
*Nakatayo naiiyak-iyak na naiinis, may lumapit na manong maintenance
MM: Ano yun miss?
B: Yung phone ko po nahulog, na-shoot po doon. (sabay turo sa drainage)
MM: Sigurado kang dyan mo nahulog?
B: Oo, nakita ko po.
MM: Naku malalim yan. May pasok ka ba?
B: Opo.
MM: Sigurado ka dyan talaga ha?!
B: Opo. Dyan po talaga.
*Lumapit si MM kay manong guard
MM: Bay (tama ba spelling? Ü), may barena ba dyan? Nahulog kasi cellphone niya e.
MG: Saan?
MM: Dyan sa drainage.
MG: (nakatingin sakin) Siguradong kang dyan?
B: Opo. Haaaa… (naiinis na naiiyak)
*Alis si manong guard habang sinisilip silip ni MM yung butas at sinusubukang kapain baka hindi pa nahulog sa loob ang phone.
MM: (tumayo) hindi maaano yun, wala naming tubig dyan e, wala kasing ulan
B: Haaa… Lord… please...
*Pabalik na si MG at may dalang barena, inabot na kay MM at sinimulan na ang pag bakbak sa seal ng takip ng drainage. Naalis na, dumapa na si MM para silipin ang phone
MM: Wala naman e, sigurado ka bang dito talaga?
B: Opo.
MM: (inaabot kay MG ang barena) Teka bay, hawakan mo aabutin ko.
B: Nakita nyo na po?! Eeeei… (kinikilig kilig)
*Inabot ni MM ang phone sakin
B: (maalikabok… punas sa harap, sa lik…) Ay wala po yung housing sa likod
MG: Wala?!
B: Wala po.
MG: Asana napunta yun?! (silip-silip parin si MM)
MM: Ano ba yun?
MG: Yung case sa likod
MM: Ano ba itsura nun?!
MG: Ayun yata natakpan ng malaking dahon
MM: (Hinawi ang mga dahon) Wala e.
B: Dibale nalang po
MM: Baket?! Mapapalitan ba yun?
B: Opo
MG: Mura lang naman ata yun e.
B: Opo mura lang po yun. Hayaan nyo na po.
*Tumayo na si MM at si MG at ibinalik na ang takip ng drainage
B: (Abot ng tsiih kay MG) Ito po Manong pang meryenda nyo.
MG: Sakanya nalang
B: (Abot kay MM) Ito po o pang meryenda nyo. Thank you po!!!
MM: (nagkamot ng ulo [hindi ko napansin kung nag blush,hehe!]) Nako, salamat!
*Lakad na ulit, pagsakay sa jeep
Haaay… Thank you Lord!
*Pagdating sa shop habang hinihimas himas ang phone
Sira na ang housing, hmpf! Dibale bibili nalang ako bukas… bwisit na butas!
*Isip-isip
Yan kasi text ng text pa kagabi, nag alarm na nga na time for QT na… imbis na mag QT inuna pa pagtetext… Tsk! Tsk! Tsk!
Sorry Lord... sorry! =’(

3 comment(s):
niwey, God is still good kasi binigyan ka pa rin nya ng MM at MG para tumulong sa yo.
next time, tahiin ang bulsa ng pants. hehe...
By
anders, at
11:21 AM
Simon
- American Idol
By
Anonymous, at
5:07 PM
By
bobbiedibabidibuh, at
9:10 AM
Post a Comment
<< Home